Sunday, September 30, 2012

Kada Lunes ng Umaga

Lunes nanaman ng umaga
at siksikan nanaman sa MRT.
Gitgitan, banggaan, tapakan.
Unahan sa paglabas sa pintuan,
sabay lakad nang mabilis pababa.

Lahat ay nagmamalading makatawid,
makarating sa kanya-kanyang destinasyon.
Ang tanging nais ko lamang
ay makarating sa istasyon ng LRT.
Kung saan isang sakay na lamang
ay makakarating na 'ko sa Katipunan.

Lunes nanaman ng umaga
at dadaan nanaman ako sa Cubao.

1 comment:

  1. May puwang dapat sa "na naman"; ilang beses pa naman itong inulit sa tula. Naghahanap pa ako ng mas matingkad na kabatiran sa tula.

    ReplyDelete