Ano nga ba ang Oxford comma? Ang Oxford comma ay isang natatanging uri ng kuwit na nakikita bago ang salitang "at" o "and" kung sa Ingles. Ito ay tinatawag ding "serial comma."
Halimbawa:
Hindi gumagamit ng Oxford comma:
- Mahilig akong kumain ng keyk, serbetes, tsokolate at gulay.
Gumagamit ng Oxford comma:
- Mahilig akong kumain ng keyk, serbetes, tsokolate, at gulay
![]() |
http://sheribomb.com/?p=191 |
Natawa ako noong makita ko ang litratong iyan sa Tumblr. Bago ko pa man makita ang litratong iyan, alam ginagamit ko na ang kuwit na tinatawag na "Oxford comma" ngunit hindi ko alam na may pangalan pala ito.
Iilan lang ang gumagamit pa rin ng Oxford comma sa panahong ito at isa na ako roon. Siguro ay dala lang ito ng aking pagiging "OC" kaya nakasanayan ko na ang paggamit nito. Noong una ay hindi ko naman talaga alam ang ginagawa ng Oxford comma, ngunit patuloy ko pa rin itong ginagamit. Nang makita ko ang larawang nasa itaas, tsaka ko lang naintindihan ang gamit ng kakaibang kuwit na ito.
.....................
Ngunit sa proseso ng paggawa ng blog post na ito, may nakita akong isa pang larawang may kaugnayan sa Oxford comma na nagpaisip sa akin kung kailangan nga ba talagang gamitin ang Oxford comma sa lahat ng oras...
![]() |
http://languagehippie.blogspot.com/2011/12/on-pedantry-ambiguity-and-oxford-comma.html |
Sinasabi rito na bagamat tama ang gumamit ng Oxford comma, may ilang pagkakataon pa rin na nagiging dahilan ito ng pagkakaroon ng dalawang kahulugan ng isang pangungusap at nagiging sanhi ng higit na pagkalito ng mambabasa.
May ilang mga artikulo akong nabasa tungkol sa paggamit ng Oxford comma. Ang ilan ay nagdedebate pa rin hanggang ngayon kung tama nga ba ang gumamit ng Oxford comma o hindi. Para sa akin, ang paggamit ng Oxford comma ay isang bagay na nakasanayan ko na, at ginagamit ko ito dahil sa tingin ko ay mas pormal ang dating kapag mayroon nito, ngunit hindi nangangahulugang mali at impormal ang hindi paggamit ng Oxford comma.
Marahil ay dapat lang malaman ng manunulat kung kailan at hindi kailangang gumamit nito upang hindi malito ang kanyang mga mambababasa, at kung ano ang sa tingin niya ang mas epektibong paraan upang maiparating nang walang ambiguity o double meaning ang nais niyang ipahayag.